Siguro may ilan na sa inyo ang nakatanggap ng ganitong notification. Ito ang tinatawag na "GUARANTEE INSURANCE" (보증보험). Para saan ba 'to? Required magbayad ang lahat ng companies na nag-eemploy ng mga foreign workers ng Guarantee Insurance upang sa ganoon ay may garantiyang may matatanggap ang dayuhang manggagawa sakaling magsara o malugi ang kumpanya at wala ng pambayad ng sweldo o tegicom ang kumpanya. Hindi ito basta-basta matatanggap. Inuulit ko po, matatanggap lamang ito kapag nalugi at nagsara ang kumpanya AT KUNG MAY UTANG PA SILA SA INYO. Kung wala namang pagkakautang sa inyo ang kumpanya, hindi kayo pwede magfile ng claim para dito.
Ang maximum na maaari ninyong makuha mula sa insurance ay KRW 2,000,000 lamang. Samakatuwid, kung halimbawa't KRW 4,000,000 ang utang sa inyo ng kumpanya, hanggang KRW 2,000,000 pa rin ang ibibigay sa inyo ng insurance. Para naman makuha pa ang natitira, kailangang magsampa kayo ng panibagong demanda.
Paano i-claim ang Guarantee Insurance?
1. Magfile ng formal complaint sa Labor.
2. Magsecure ng Certificate of Unpaid Wages
3. Magpatulong sa Migrants' Center na i-apply ang guarantee insurance.
Pwede ko ba tong makuha kapag nagparelease o natapos ko na ang kontrata ko?
HINDI. Pakibasa po ulit ang nakasulat sa itaas.