HOME | SEARCH | LOG IN | SIGN UP
Introduction Consultation Education Events Medical Services Media Open Board
News Release
Photos Gallery
Notice/Announcement
Other Information
Funny Corner/ Tawa Naman Diyan
Event Schedule
Links to Related Sites
- Seoul
- GyeongGi-Do
- InCheon
- GwangJu
- DaeGu
- BuSan
- GangWon
- GyeongSangNam-Do
- GyeongSangBuk-Do
- JeolLaBuk-do
- JeolLaNam-do
- ChungCheongNam-Do
- ChungCheongBuk-Do
- JeJu-Do
column
 Home > Open Board > column > PINAGTATRABAHO SA IBANG KUMPANYA?

    PINAGTATRABAHO SA IBANG KUMPANYA?
    Admin     2013/11/27 2:01 pm

Q: Dalawa ang kumpanya ng sajang (amo) namin: Company A & Company X. Nakarehistro ako sa Company A, pero minsan, kapag walang gawa ay pinagtatrabaho niya kami sa Company X. Pwede ba 'yon? Hindi ba ito violation?

A: Violation ito kapag totally magkaiba ang dalawang kumpanya, kahit na iisa pa ang may ari. Ipacheck ninyo sa goyong center kung ito ba ay talagang magkaibang kumpanya o baka naman branch lang. Kung ito ay branch lang wala namang problema. (Ang pagpaparelease tungkol dito ay pagdedesisyunan ng Labor.)

Q: Iba ang nakalagay na pangalan ng company sa kontrata at ang pangalan ng company na pinagtatrabahuhan ko. Ang nakalagay sa kontrata ko ay: Company ABC pero ang nakasulat sa sign board ng company namin ay Company BCD. Violation ba ito? Pwede ba akong magparelease?

A: Icheck niyo muna sa goyong center ito. Maaaring habang pino-proseso ang papeles ninyo noong nasa Pinas pa kayo ay nagpalit na ng pangalan ang company kaya naman hindi na naupdate ang kontrata ninyo. Kung sakaling hindi lang updated, kailangan lang itong ipa-update sa goyong center. NOTE: Hindi ito dahilan sa pagpaparelease. Mapatunayan mang totally ibang company ito, ang labor ang magdedesisyon ng release ninyo.

Q: Nasangkot sa isang kaso ang amo namin kaya ibinenta niya ang company namin sa iba. Hindi naman nagpalit ng pangalan ang company namin, pareho pa rin ang lahat maliban sa sajang. Pwede ba akong magparelease dahil iba naman na ang sajang namin?

A: Hindi. Pwede lang kayong marelease kung irerelease kayo ng company ninyo. Gaya ng sabi ninyo, succession (
고용승계) lamang ang nangyari. Parang “ipinamana” lang ng sajang ninyo ang kumpanya sa iba, kaya naman dire-diretso pa rin ang kontrata ninyo. Ang company niyo na ang bahalang mag-update nito sa goyong center.

Q: Nagmahal na raw ang upa sa lupa ng factory namin kaya lumipat kami ng ibang factory. Dati nasa Buk-gu kami, ngayon ay lumipat na kami sa Seo-gu. Pwede na rin ba akong marelease?

A: Hindi. Hindi naman nagsarado ang company ninyo, at lumipat lamang ito. Kaya naman dire-diretso pa rin ang kontrata ninyo with the company, unless na lang irelease nila kayo. Ang dapat niyo lamang gawin ay ireport sa immigration ang change of address ninyo (Please read: http://www.hikorea.go.kr/pt/CvlapplInfoDetailR_en.pt?cvlapplCd=127000000AC&locale=en&cvlapplGbSeq=)

Q: Nalugi ang kumpanya namin at tuluyan na itong nagsara. Inirelease kami ng amo namin, pero sabi niya gumawa na raw siya ng bagong kumpanya kaya doon na lang daw kami magtatrabaho. Gusto ko na sanang lumipat ng ibang kumpanya, pwede kaya ‘yon? O kailangan ko talagang magtrabaho sa bagong kumpanya ng employer namin?

A: Dahil sa released na kayo, may karapatan na kayong pumili ng bagong employer. At dahil, terminated na ang kontrata ninyo sa company, hindi kayo pwedeng pilitin ng amo ninyo na doon ulit magtrabaho.

Kung sakali namang gusto niyo pa ring magtrabaho sa bagong company ng dati ninyong employer, maaari itong ipakiusap sa Goyong Center. Although, may mga times hindi pumapayag ang Labor.

(para lamang ito sa kasasara ng kumpanya dahil sa pagkalugi, at ang employer na tinutukoy rito ay ang pinakahuling employer…at araw pa lang ang binibilang nang magsara ang kumpanya)

PAALALA: Hindi kayo pwedeng basta-basta na lamang magtrabaho sa kumpanyang gusto ninyo. Kahit na dati niyo pa itong kumpanya at anim na taon kayong nagtrabaho dito. Tanging ang kumpanyang irerefer lang sa inyo ng labor ang maaari ninyong pasukan.

 

Sa mga may tanong sumali po kayo sa Facebook Group namin : Korea Migrants' Center (https://www.facebook.com/groups/199051573558456/). Mag-PM po kayo sa Group Admin: Katherine Corteza KM Center (https://www.facebook.com/katherineann.corteza). ISULAT NINYO ANG PHONE NUMBER AT TUNAY NA PANGALAN KAPAG NAGPI-PM. HINDI PO NAMIN SINASAGOT ANG MGA TANONG NA WALANG PHONE NUMBER & PANGALAN. Kung wala pa po kayong telepono, iindicate niyo po sa PM ninyo. MAAARI RIN KAYONG TUMAWAG SA 02-1644-0644 (press 7 for Filipino).  

Maraming salamat po.

view list 

Jump to:  


KMcenter 137-1 Garibong 1 Dong, Guro-Gu, Seoul. TEL:02-6900-8002 FAX : 02-6900-8001 E-mail : info@migrantok.org
Copyright by 2004 MigrantWorkers Center in Korea. All right, reserved. Representative : Son Jong Ha
Supported by ONTOIN