Q: Naaksidente ako habang nagtatrabaho. At dahil doon isang linggo din akong 'di nakapasok. May matatanggap ba akong danyos perwisyo sa company namin? Babayaran ba nila ang mga araw na hindi ko napasukan dahil na-confine ako?
A: Para sa mga cases na ganito, kailangang mag-apply po muna kayo sa 산재보험 (industrial accident insurance). Usually companies po ang nag-aasikaso niyan. Kung hindi man nila ito maasikaso, sa ospital kung nasaan kayo naconfine/naoperahan/nagpapagamot kayo lumapit. Kadalasan, may help desk ang mga ospital for industrial insurance.
Ang COMWEL (Korea Workers Compensation and Welfare Service) ang mag-eevaluate sa kaso ninyo at sila din ang mag-aapprove ng application ninyo for insurance. Once approved na ang application, sa kanila manggagaling ang lahat ng bayad para sa compensation, pagpapagamot, bayad sa hindi napasukang araw, etc. Kapag hindi approved, wala po kayong makukuha. Kasi ang mga companies nagbabayad po sila ng insurance whether or not may maaksidente sa company o wala. Required lahat ng companies magbayad ng insurance na ito para sa kapakanan ng workers. Kaya naman, kung hindi maaprubahan ang application ninyo, wala na rin kayong matatanggap sa company.
Maaari kayong tumawag sa COMWEL (1588-0075) kung nais ninyong magpakonsulta tungkol sa problema ninyo sa insurance.