Pagpapatupad ng Reentry ng mga Matatapat na Dayuhang Manggagawa
(Araw ng Pagpapatupad: 2012. 7. 2.)
1. Kaugnay na Batas
-Artikulo 18, Blg.4 (Eksepsyon sa Limitasyon ng Rehiring & Reentry) ng “Mga batas kaugnay ng Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa” at ang mga ipinatutupad na batas gaya ng Artikulo 14, Blg. 3 (Proseso sa Eksepsyon sa Limitasyon ng Rehiring & Reentry).
2. Mga Naangkop na Kondisyon (kinakailangang matupad ang lahat ng mga kondisyong nakasulat sa ibaba)
① Dayuhang pumasok sa Korea bilang manggagawa (E-9) na hindi kailanman nagpalit ng lugar na pinagtrabahuhan (i.e. hindi nagparelease) at iisang kumpanya lamang ang pinagtrabahuhan hanggang sa matapos ang kanyang employment period
② Ang industriyang pinagtatrabahuhan ng dayuhang manggagawa ay kabilang sa agrikultura/livestock, pangingisda o manufacturing na may 30 empleyado pababa
③ Ang dayuhang manggagawa ay kinakailangang pumirma ng bagong kontrata para sa mahigit sa 1 taong pagtatrabaho sa nasabing kumpanya. Ang kontratang ito’y ipatutupad simula sa araw ng pagpasok ng manggagawa sa Korea at simula ng kanyang pagtatrabaho.
④ Ang bawat kumpanya’y nasasailalim pa rin sa mga limitasyon sa employment at sa restriksyon para issuance ng employment permit.
⑤ Ang pagtatapos ng employment period ng dayuhang manggagawa ay lagpas sa araw ng pagpapatupad ng batas o sa Hulyo 2, 2012.
3. Mga Benepisyo
Dayuhang Manggagawa | Employer |
Eksepsyon sa pagkuha ng Korean Language Test at training | Hindi na kailangang sumailalim sa paghahanap ng lokal na manggagawa |
Reentry sa Korea matapos ang 3 buwang pananatili sa bansa ng manggagawa | Maaaring i-employ ang mga manggagawang may kakayahan |
4. Proseso ng Paglabas at Pagbalik ng Korea
□ Aplikasyon para sa Reentry Employment Permit (Employer à Employment Center (고용센터))
□ Panahon ng Aplikasyon
1 buwan hanggang 7 araw bago matapos ang employment period ng dayuhang manggagawa
□ Pagbabayad para sa Komisyon para sa Introduction Escrow at Proxy (Employer à HRD Korea)
□ Pagrereport sa Pag-alis at Pagbalik sa Bansa ng Dayuhang Manggagawa (Dayuhang Manggagawa à Sending Institution (i.e. POEA))
□ Visa Issuance (Employer à Immigration)
□ Aplikasyon para sa Medical Check-up at iba pang Immigration Plan (Dayuhang Manggagawa à Sending Institution (POEA) à Embahada (i.e. Korean Embassy)
□ Pagbabalik sa Korea at Transfer (POEA à HRD Korea à Employer)
□ Simula ng Pagtatrabaho (HRD Korea, Employment Center)
Patakaran para sa Korean Language Test (CBT) para sa mga
maaaring ma-Rehire na mga Dayuhang Manggagawa
□ Kwalipikasyon: para sa mga dayuhang manggagawa (E-9) na nagtrabaho ng 3 taon at na-rehire at saka boluntaryong bumalik ng kanilang bansa matapos ang kanilang employment period (i.e. “ex-Korea”)
□ Mga Kinakailangang Dokumento: application form para sa Korean Language Test, kopya ng pasaporteng ginamit ninyo noong bumalik kayo sa Pilipinas
□ Bansang Nagpapapatupad ng CBT: (simula noong Marso 2012 hanggang sa kasalukuyan) Thailand, Vietnam, Indonesia, Uzbekistan, Pakistan (may planong ipatupad din ito sa iba pang mga bansang nagpapadala ng manggagawa sa Korea)
□ Lugar ng Eksaminasyon: ‘Computer-based Testing Centers para sa Korean Language Test (CBT)” na itinalaga sa bansa ng dayuhang manggagawa
□ Panahon ng Eksaminasyon: 1 beses bawat 1 quarter
□ Anunsiyo tungkol sa Eksaminasyon: Patalastas sa diyaryo o anunsiyo sa opisyal na website ng sending institution (POEA)
Paghahalintulad ng Patakaran para sa Korean Language Test (CBT) at Reentry ng mga Matatapat na Dayuhang Manggagawa
Kategorya | Korean Language Test (CBT) | Reentry ng mga Matatapat na Dayuhang Manggagawa |
Sino | ex-Korea na umuwi bago mag-expire ang kanilang employment period (umuwi matapos ang ika-1 ng Enero 2010) | ① ang expiration ng employment period ay matapos ang ika-2 ng Hulyo, 2012 ② nagtrabaho sa mga industriyang binanggit ng Foreign Workers’ Policy Committee ③ matapat na nagtrabaho sa isang kumpanya at hindi nagparelease |
Saklaw na Industriya ng Pinagtatrabahuhan | Kahit Ano | Agrikultura/livestock, pangingisda, maliliit na manufacturing companies at iba pang mga industriyang binanggit ng Foreign Workers’ Policy Committee |
Korean Language Test | Kailangang maikapasa sa Korean Language Test (CBT) na isasagawa ng 1 beses bawat isang quarter | Exempted |
Training | Exempted sa training bago bumalik sa Korea | exempted sa training bago at matapos bumalik sa Korea |
Panahon ng Limitasyon bago ang Pagbalik sa Korea | 6 na buwan matapos ang pag-alis sa Korea | 3 buwan matapos ang pag-alis sa Korea |
Rehiring ng Dating Employer | Maaaring marehire ng dating employer kung mahigit sa 1 taon kayong nagtrabaho doon | kailangang i-rehire kayong muli ng inyong dating employer bago kayo umuwi ng Pilipinas |
Aplikasyon ng Employer | Hindi Kailangan | Kailangan |
Kailangang Maghanap ng Employer ng Lokal na Manggagawa | Kailangan | Hindi Kailangan |
Mga Bansang nasasaklaw ng Batas | Mga bansang mayroon ng itinalagang center para sa Korean Language Test (CBT) * sa unang quarter ng 2012, ipinatutupad ito sa Thailand, Vietnam, Indonesia, Uzbekistan, Pakistan | walang limitasyon |
Panahon ng Pagpapatupad | Nobyembre 2012: Thailand, Vietnam Unang Quarter ng 2012: Thailand, Vietnam, Uzbekistan at Pakistan | simula sa ika-2 ng Hulyo 2012 |
Gabay tungkol sa Employment Grant para sa mga Dayuhang Manggagawang may Kakayahan (Skilled Foreign Workers)
1. Palatuntunin
○ Ang mga pinakamahusay at talentadong mga dayuhang manggagawa ay pipiliin at sila’y papayagang magtrabaho bilang mga skilled professionals. Ang bilang ng mga mapipiling manggagawa’y pagpapasiyahan base sa maximum na pinapayagang empleyado ayon sa kategorya ng kumpanya at ito’y pinapagtibay ng residence management.
※ Ang napiling skilled professional ay bibigyan ng E-7 visa (designated activities) (bibigyan din siya ng release papers (change of workplace) at Certificate of Visa Issuance)
2. Sino ang maaaring Mag-apply
○ Iyong mga dayuhang manggagawang may hawak ng E-9 (EPS), E-10 (Vessel Crew) o H-2 (Working Visit) visa na nagtatrabaho sa mga industriya ng manufacturing, construction, agrikultura at pangingisda, at legal na naninirahan dito sa Korea, at naangkop sa lahat ng mga kwalipikasyong nakasulat sa ibaba:
《Naangkop na Kwalipikasyon》 |
➩ Legal na nagtatrabaho sa mga industriya ng manufacturing, construction, o agrikultura/pangingisda sa loob ng 4 na taon sa nakalipas na 10 taon ➩ 35 taong gulang pababa na may Bachelor’s Degree (Subalit, sangayon sa Artikulo 2 ng Root Industry Promotion Act, ang mga manggagawang nagtatrabaho sa ilalim ng Root Industry ay kinakailangan lamang na nakagradweyt ng hayskul at 40 taong gulang pababa) ➩ Nakatanggap ng sertipiko para sa pagiging certified skilled worker (para sa isang ispesipikong uri ng industriya) o kaya naman ay nakakatanggap ng sahod na mas mataas kaysa sa pangkaraniwan na sahod para sa mga manggagawa (sangayon sa uri ng trabaho) ➩ Nakatanggap ng sertipiko para sa Korean Language Level 3 o higit pa (Subalit, sangayon sa Artikulo 2 ng Root Industry Promotion Act, ang mga manggagawang nagtatrabaho sa ilalim ng Root Industry ay kinakailangan lamang na makatanggap ng sertipiko para sa Korean Language Level 2 o higit pa) o nakumpleto ang Social Integration Program |
4. Proseso ng Aplikasyon
○ Mag-apply para sa request of change of sojourn status sa pinakamalapit na immigration office sa inyong kumpanya.
《Mga Kinakailangang Dokumento》 |
Application Form, Passport, Alien Registration Card (ARC), Certificate of Employment (tungkol sa lahat ng inyong mga pinagtrabahuhan), Employment Contract, Sertipikong Pang-edukasyon at iba pang mga uri ng sertipiko O Invoice of Withholding Tax para sa kita ng mga manggagawa, Transcript para sa Korean Language o sertipikto ng pagtatapos ng Social Integration program |
5. Araw ng Pagpapatupad: 2011.10.10 (Para sa Root Industry: 2012.6.1)
Notipikasyon ukol sa Pagpapalit ng Trabaho (i.e. Pagpaparelease) sa kadahilanang hindi kasalanan ng Dayuhang Manggagawa - kapag ang dahilan ay makatarungan, hindi ito isasama sa limitasyon ng bilang ng pagpaparelease - |
Sangayon sa Artikulo 25, Talata 1, Blg. 2 ng 『Mga Batas kaugnay ang Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa』 (sa madaling salita’y tatawagin na lamang bilang “batas”) ang sinasabing “ang dahilan ng pagpaparelease na hindi kasalanan ng manggagawa at base rin sa panlipunang pamantayan ay katanggap-tanggap ang dahilan kung bakit kinakailangan nilang huminto sa pagtatrabaho sa nasabing kumpanya,” ay tumutukoy sa mga sumusunod na kaso:
1. Kapag napatunayang dahil sa pagkalugi ng employer o pagsasara ng kumpanya’y (tatawagin na lamang bilang “employer”) hindi na maaaring magtrabaho pa ang manggagawa doon.
2. Kapag hindi na maaaring magpatuloy sa pagtatrabaho ang dayuhang manggagawa dahil sa paglabag ng employer sa mga employment conditions o kung hindi makatarungan ang pagtrato ng employer sa mga manggagawa.
3. Kung kinansela ang employment permit ng employer o kung nakatanggap sila ng restriksyon sa pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa
<Nilalaman ng Nirebisang Batas ukol sa
Dahilan at Bilang ng Pagpaparelease (Artikulo 25, Blg. 1)>
Kasalukuyang Batas | Nirebisang Batas |
Dahilan sa Pagpaparelease | Bilang | Dahilan sa Pagpaparelease | Bilang |
1. terminasyon ng kontrata o paghinto sa trabaho | kasama sa bilang | 1. terminasyon ng kontrata o paghinto sa trabaho | kasama sa bilang |
2. pagkalugi o pagsasara ng Kumpanya, iba pang dahilan na hindi kasalanan ng dayuhang manggagawa at mahirap ng magpatuloy sa pagtatrabaho | hindi kasama sa bilang | 2. pagkalugi o pagsasara ng kumpanya, kanselasyon ng employment permit, limitasyon sa pagbibigay ng trabaho sa dayuhang manggagawa, hindi makatarungang pagtrato at iba pang mga dahilang sangayon sa panlipunang pamantayan na tinatanggap na dahilan upang huminto sa pagtatrabaho ang manggagawa. Ito ay kailangang tumutupad sa notipikasyon ng direktor ng MOEL. | hindi kasama sa bilang |
3. kanselasyon ng employment permit, limitasyon sa pagbibigay ng trabaho sa dayuhang manggagawa | kasama sa bilang |
4. paglabag sa mga kondisyon ng pagtatrabaho o paglabag sa kontrata o batas ng EPS, hindi makatarungan pagtrato | kasama sa bilang |
5. pagkakasakit, aksidente (artikulo 30, blg.1) | kasama sa bilang | 3. pagkakasakit, aksidente (artikulo 30, blg.1) | kasama sa bilang |
PARA SA MGA TANONG, TUMAWAG SA 1644-0644 (+7) (laging sarado ang center tuwing Miyerkules)