Dalawang manggagawa ang nagtrabaho sa isang kumpanya mula pa noong unang dating nila sa Korea sa taong 2004.12.20 hanggang 2007.12.20. Lumabas rin sila ng bansa sa parehong araw noong 2007.12.20 dahil mandatory na lumabas ang mga manggagawa matapos sila ma-reemploy. Bumalik naman sila sa Korea noong 2008.2.6 at mag-dalawang taon na sila ngayong 2010.2.6. Ayon sa kanilang employer, kailangan na daw nilang lumabas ng bansa dahil pang-limang taon na nila ngayong taon sa Korea.
Nais nilang sabihan ang employer at ipaliwanag na may natitira pa silang isang taon, ngunit hindi sila binigyan ng pagkakataon na pakinggan at pansinin ang nais nilang sabihin. Basta ang sinabi lang ng kumpanya, maghanda na sila dahil kinakailangan na nilang bumalik sa kanilang bansa.
Naguguluhan ang mga manggaawa kaya hindi na sila nagdalawang isip, tumawag sila sa Korea Migrant Center sa numero 1644-0644 at sinalaysay ang tungkol sa kanilang sitwasyon. Pinayuhan silang magsadya sa center, pumunta sila noong 2010.2.3 at tinawagan ng person in charge ng center ang kanilang kumpanya at ipinaliwanag ang tungkol sa sitwasyon ng mga manggagawa kaugnay sa bagong polisya sa mga EPS.
Naliwanagan ang employer at nakiusap na pabalikin ang mga manggagawa sa kumpanya sa madaling panahon para maglagda para sa panibagong kontrata upang makapagpatuloy sa pagtatrabaho.
Ito ang mga nangyayari kapag kulang sa sapat na kaalaman tungkol sa mga pagbabago ng polisiya pagdating sa mga EPS...